Connect with us

Umano’y COMELEC hacking incident, dapat maimbestigahan na sa lalong madaling panahon ng Kongreso

Umano'y COMELEC hacking incident, dapat maimbestigahan na sa lalong madaling panahon ng Kongreso

National News

Umano’y COMELEC hacking incident, dapat maimbestigahan na sa lalong madaling panahon ng Kongreso

Dapat nang maimbestigahan sa lalong madaling panahon ang umano’y insidente ng hacking sa Commission on Elections (COMELEC) sa Senado at Kamara.

Ito ang naging panawagan ni Sen. Imee Marcos sa gitna ng banta na baka mauwi sa senaryong failure of elections kung sakali mang nangyari ang insidente.

“Nangangamba akong mangyari ang failure of elections at ang magreresulta ng krisis sa Konstitusyon kapag pinagkaitan ang 67 milyong Pinoy ng kanilang tsansa na makapaghalal ng bagong presidente, bise-presidente, at Kongreso sa Mayo,” ani Marcos.

Ang apela ni Sen Marcos, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, ay kasunod ng inihain niyang Senate resolution para imbestigahan ang inilabas na balita ng Manila Bulletin na mariin namang pinasinungalingan ng COMELEC.

Nakatakdang ipatawag ni Marcos sa pagdinig ang COMELEC, National Privacy Commission,  Department of Information and Communications Technology Cybercrime Investigation and Coordinating Center (DICT-CICC), National Bureau of Investigation Cybercrime Division, Manila Bulletin, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), National Movement for Free Elections (NAMFREL), Legal Network for Truthful Elections (LENTE), Democracy Watch at Center for People Empowerment in Governance (CENPEG) /AES Watch.

“Sa gitna nito, naniniwala at umaasa kami sa pangako ni Pangulong Duterte sa nakaraang global Summit for Democracy na matutuloy ang tapat, payapa, may kredibilidad at malayang eleksyon,” dagdag ng senadora.

Batay sa Omnibus Election maaaring ideklara ang failure of elections dahil sa fraud o panloloko.

Maaring magkaroon ng failure of election bago pa man, sa gitna ng, o pagkatapos ng pagbilang ng mga balota.

Sa ulat ng Manila Bulletin, may nakuha umanong gigabytes ng sensitibong AES data ukol sa mga tauhan ng COMELEC, mga lokal at mga Pilipinong botante sa abroad, maging sa mga voting machine at mga voting precincts, pero tiniyak naman ng Comelec na ligtas pa rin ang kanilang mga server.

More in National News

Latest News

To Top