Connect with us

Umano’y overpriced na PPEs ng DOH, kinwestyon ni Sen. Poe

Umano'y overpriced na PPEs ng DOH, kinwestyon ni Sen. Poe

COVID-19 UPDATES

Umano’y overpriced na PPEs ng DOH, kinwestyon ni Sen. Poe

Humihingi ngayon ng eksplanasyon si Senator Grace Poe sa Department of Health (DOH) patungkol sa overpriced na personal protective equipment (PPE).

Sa isang pahayag, nagpaabot ng katanungan ang senador sa ahensya matapos nitong mag-purchase ng PPEs na nagkakahalaga ng P1,800 na maaari namang makabili lang ng nasa P400 hanggang P1,000 na halaga nito.

Giit pa ni Poe na kung makabibili naman ng mas mura pero may kaparehong kalidad ay makapagtitipid ang ahensya ng nasa P800-M sa nakalaang pondo para sa mga PPEs.

Dagdag pa ng senadora na ang bawat piso sanang matitipid ng ahensya ay maaari pang magamit sa ilang pangangailangan ng mga Pilipino tulad na lamang ng pagkain at financial aid.

Samantala, umapela rin si Poe sa DOH na tanggalin na nito ang mga red tape sa pag-distribute ng mga nai-donate na PPEs sa bansa para nang sa gayon ay magamit na ang mga ito.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top