Connect with us

Umano’y payola sa POGO, itinanggi ng dating PNP chiefs

Umano'y payola sa POGO, itinanggi ng dating PNP chiefs

National News

Umano’y payola sa POGO, itinanggi ng dating PNP chiefs

Agad na pinabulaanan ng mga dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang usapin sa umano’y pagtanggap ng payola mula sa POGO (Philippine Offshore Gaming Operators).

Kasabay rito ang pagpapaliwanag na wala silang kinalaman sa umano’y pagtakas ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Matatandaang, ibinunyag ni retired Commodore at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Senior Vice President for the Security and Monitoring Cluster Raul Villanueva sa pagdinig ng Senado ang pagkakasangkot ng isang dating PNP chief sa kontrobersiya ng POGO at kay Guo.

Pahayag ni dating PNP Chief Oscar Albayalde, “Never kong na encounter or na meet si Alice.”

Hamon naman ni dating PNP Chief Rodolfo Azurin, pangalanan ni Villanueva kung sino ang tinutukoy niyang dating pinuno na sangkot sa usapin upang mapanagot.

Aniya, “Isa lang, sigurado ako, hindi ako yun. Hindi ako pumatol sa POGO kahit kailan. Alam ni Red yan.

I think the best way to find out is ask BGen Raul Villanueva to name that former CPNP, otherwise CPNP Marbil should file a case against him for putting the PNP especially the former chiefs in a bad light.

The PNP is facing so many issues and challenges right now, such irresponsible statement coming from BGen Raul Villanueva is uncalled, baseless preposterous and unfounded.

He should substantiate his innuendos, otherwise, CPNP Marbil should file appropriate charges against Raul Villanueva. That’s unfair for all of us former PNP chiefs. He should name names, not puro insinuations, unvalidated, unverified. He is not sure pala, what’s his purpose in making that statement?”

Para naman kay dating PNP Chief Benjamin Acorda Jr., nalalagay sa alanganin ang pangalan ng mga dating naging PNP chief. “All I can say is, his statement should be clarified. He should identify the individual, so that kung sino ‘yung tinutukoy niya ay makakasagot nang maayos and could clear oneself properly lalo na if it is a malicious accusation. The integrity of former chiefs of PNP are at stake. The statement is  sweeping ang dating and is unfair for those innocents.”

Samantala, wala pang pahayag ang ibang mga dating PNP chief gaya nina Archie Gamboa, Debold Sinas, Guillermo Eleazar at Dionardo Carlos.

Una rito, ipinag-utos na ng kasalukuyang liderato ng PNP ang malalimang imbestigasyon hinggil sa usapin dahil itinuturing nila itong seryosong tsismis na may malaking epekto sa kanilang organisasyon.

More in National News

Latest News

To Top