Connect with us

Umiiral na batas ukol sa pagdedeklara ng state of calamity, kailangan nang repasuhin – PRRD

Umiiral na batas ukol sa pagdedeklara ng state of calamity, kailangan nang repasuhin - PRRD

National News

Umiiral na batas ukol sa pagdedeklara ng state of calamity, kailangan nang repasuhin – PRRD

Inihalad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kailangan nang repasuhin ang batas na nagre-require muna ng assessment of reports sa pinsala sa isang lugar bago magdeklara ng state of calamity.

Sa kanyang Talk to the People Address kagabi, Dec. 27, binanggit ng chief executive na nahahadlangan ng umiiral na batas ang pagtugon sana kaagad ng gobyerno para sa rehabilitasyon at relief efforts sa mga sinalantang lugar.

Kaya naman, hinikayat nito ang kongreso pati ang susunod na magiging presidente ng bansa na repasuhin ang naturang batas.

Ang tinukoy dito ay ang Republic Act No. (ra) 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Kamakailan lang humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte bunsod ng hindi pagdedeklara agad ng state of calamity sa mga rehiyon na tinamaan ng bagyong Odette.

More in National News

Latest News

To Top