Connect with us

UN Special Rapporteur Dr. Ian Fry, dapat i-persona non grata – Usec. Cardema

UN Special Rapporteur Dr. Ian Fry, dapat i-persona non grata – Usec. Cardema

National News

UN Special Rapporteur Dr. Ian Fry, dapat i-persona non grata – Usec. Cardema

“Dapat i-persona non grata”

Ito ang binitawang salita ni National Youth Commission (NYC) Chairman Usec. Ronald Cardema kaugnay sa naging pahayag ni UN Special Rapporteur on Human Rights Dr. Ian Fry na dapat buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon sa UN official, nakausap umano nito ang ilang civil organizations at nabanggit ng mga ito sa kanya ang hindi magandang balita kaya naman iminungkahi nito sa gobyerno ng Pilipinas na buwagin ang NTF-ELCAC.

Malinaw umano na nilalabag nito ang mandatu at ang red-tagging sa mga tao bagay na pinalagan ni Usec. Cardema.

Ayon sa NYC chairman, walang alam ang nabanggit na UN official sa kung ano ang tunay na ginagawa ng mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF sa mga kabataan.

“Dapat i-persona non grata sa Pilipinas yan anong alam niya? tsaka activities ng CPP-NPA dito sa bansa kung paano sila mag recruit sa mga paaralan sa mga estudyante at sa mga kabataan hindi niya alam, bakit niya sasabihing i-abolish napaka-sucessful ng NTF-ELCAC in the past 4-5 years sa ating bansa talagang nag dwindle ang recruitment sa hanay ng kabataan at mag-aaral at ang mga Guerilla fronts ng mga NPA talagang nagsukuan na at bumagsak na kakaunti nalang yan ang success ng NTF-ELCAC,” ayon kay NYC, Chairman, Usec. Ronald Cardema.

Sang-ayon naman dito si Executive Director of the Presidential Task Force on Media Security, Usec. Paul M. Gutierrez aniya kahit pa marami na ang naging katagumpayan ng NTF-ELCAC ay marami pang dapat gawin ang pamahalaan dahil nako-kontrol pa ng mga kaaway ng estado ang international community.

“Kasi kung itong rapertor nato ay well informed hindi siya aabot sa ganyang conclusion eh kasi nangyayari dito nakikita lang natin dito ang mga propagandista ng CPP-NPA ang natatanggap niya na impormasyon in other words kaya ko nasabi na marami pa tayong dapat gawin kasi nga pagdating sa international magaling itong mga to diba ito ang dapat nating ma-counter,” ayon naman kay Exec. Director of the Presidential Task Force on Media Security, Usec. Paul Gutierrez.

Bago paman ito ay nauna nang nagbigay ng pahayag ang NTF-ELCAC at sinabi na limitado lang ang panahon nito sa kanyang pagbisita dito sa Pilipinas at inimbitahan po ng NTF-ELCAC ang UN official para sa isang dayalogo bago gawing pinal ang kanyang report.

More in National News

Latest News

To Top