National News
Unang araw ng implementasyon ng Comelec gun ban, naging mapayapa
NAGING mapayapa ang unang araw ng implementasyon ng Comelec gun ban sa buong bansa.
Kabuuang 25 indibidwal ang naaresto dahil sa pagdadala ng armas at iligal na droga.
Sinabi ito ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde.
Ayon kay Albayalde, nasa 4,447 checkpoint operations ang inilatag sa buong bansa.
Maliban sa mga naaresto, nakakumpiska din ang PNP ng 27 armas, 168 na mga bala, pitong bladed weapons.
Kabilang ang 22 gun replica, pitumpung sachet ng hinihinalang shabu, at 2 glass pipe na may marijuana.
Nakapagtala rin ang PNP ng tatlong patay sa checkpoint operations.
Inaasahan naman ng PNP na tataas pa ang bilang ng mga maaaresto na lalabag sa gun ban sa mga darating na araw.
Pinaalalahanan naman ng PNP ang mga motorista na sumunod sa Comelec checkpoint para makaiwas sa abala.