Connect with us

Unang araw ng National Youth Convention, pupunuin ng makabuluhang aktibidad at samahan ng mga delegado — NYC

Unang araw ng National Youth Convention, pupunuin ng makabuluhang aktibidad at samahan ng mga delegado — NYC

National News

Unang araw ng National Youth Convention, pupunuin ng makabuluhang aktibidad at samahan ng mga delegado — NYC

Opisyal nang magsisimula ngayong araw, November 25, 2022 ang 3-day seminar ng mga delegado mula sa ibat ibang youth organization at kadete ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ginaganap ito ngayon sa Philippine Military Academy sa Baguio City.

Umaga palang ng Miyerkules nang unting magdatingan ang mga kinatawan ng mga kabataan mula sa ibat ibang ROTC Corp Command ng ibat ibang universities sa buong bansa.

Sumunod rito ang mga kinatawan ng SK Federations at ilang student leaders.

Nagsipagdatingan rin ang mga kadete ng ibat ibang Office of Cadet Schools ng bansa mula sa Army, Navy, Airforce, Coast Guard, PNP, at Philippine Merchant Marine Academy.

Lalahok sila sa pinakamalaking pagtitipon ng mga kabataan sa buong bansa, ang National Youth Convention na pinangungunahan ng National Youth Commission (NYC).

Ang NYC ay isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na umaalalay, tumitingin at tulay ng maraming programang pangkabataan at isinusulong ang mga programa gaya ng edukasyon, kalusugan, isports, at leadership trainings.

Higit sa lahat ang pagpapanatili sa alab ng mga kabataan na maging huwaran sa kapwa kabataan sa komunidad at maging kabahagi para sa pagbabago at pagmamahal sa bansa.

Masayang nagtungo ang lahat sa Baguio City kung saan gaganapin ang 3 araw na lecture at trainings sa Philippine Military Academy, sa lungsod ng Baguio.

Makikita sa mga kabataan ang saya at excitement na makasama ang kapwa kabataan na nais makapaglingkod ng tapat at maayos para sa bayan, para sa kanilang pangarap at para sa kanilang kinabukasan.

Samantala, mapalad ring naimbitahan ang isa sa mga youth organizations ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang Keepers Club International.

Isang grupo ng mga kabataan na may programa para sa kabataan partikular na sa education, music, environmental protection at disaster response.

Mas pinalakas rin ngayon ang grupo sa pagsuporta nito sa adhikain ng pamahalaan kontra korapsiyon, at iligal na droga sa bansa.

Higit sa lahat, ay ang pagtuturo ng pagkakaroon ng malasakit sa bayan at pagsugpo sa impluwensiya ng komunistang teroristang kilusan na CPP-NPA-NDF sa bansa lalo na sa kabataan.

 

More in National News

Latest News

To Top