Breaking News
Unang kaso ng COVID-19 sa Valenzuela, naitala
Nakapagtala na rin ng kauna-unahang kaso ng ang Lungsod ng Valenzuela.
Sa isang Facebook post, inihayag ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na isang 34-anyos na babae ang pasyente na nagpakonsulta sa isang pribadong ospital sa Maynila matapos makaranas ng lagnat at sore throat.
JUST IN: As of March 19, 2020, Valenzuela City now has a positive case of COVID-19. A female patient, 34 years old,…
Posted by REX Gatchalian on Wednesday, 18 March 2020
Wala naman aniyang travel history ang pasyente pero nagkaroon ng exposure ito sa isang tao na bumiyahe mula Malaysia.
Nakasaad din sa post ni Mayor Gatchalian na kasalukuyang may mild flu-like symptoms ang pasyente at ngayon ay nasa ilalim ng strict home quarantine at sumusunod sa guidelines ng Department of Health (DOH).
“Currently, the patient has mild flu-like symptoms and is now under strict home quarantine, following the DOH guidelines. The Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit have done the necessary measures such as contact tracing and they are closely monitoring the identified close contacts,” pagsasaad ni Mayor Gatchalian.
Nagsasagawa na rin aniya ang Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit ng contract tracing at mahigpit na monitoring sa mga nakasalamuha ng naturang pasyente.