COVID-19 UPDATES
Unang kaso ng lambda COVID-19 Variant sa bansa, local case
Local case at hindi returning overseas Filipino ang unang kaso ng lambda COVID-19 variant na naitala sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary and Spokesperson Maria Rosario Vergeire, buntis ang 35-anyos na pasyente ng magpositibo ito sa COVID-19 noong Hulyo at gumaling rin sa sakit.
Ani Vergeire, walang sintomas ang pasyente pero kinailangan itong imonitor nang maigi dahil siya ay buntis.
Sa ngayon aniya ay inaalam pa ng DOH kung nanganak na ang pasyente.
Sinabi ni Vergeire na patuloy ang isinasagawang contact tracing ng DOH at pagkolekta ng samples para sa Whole-genome sequencing (WGS).