National News
Unang kaso ng mpox sa CALABARZON, naka-rekober na
Published on
Naka-rekober na ang unang kaso ng mpox sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon).
Ayon sa Department of Health (DOH), nitong Setyembre 13, 2024 nang maka-recober ang unang mpox case na dose anyos na lalaki.
Sa ulat, wala itong travel history tatlong linggo bago siya magkaroon ng sintomas noong Agosto 10.
Ang mpox ay isang infectious disease na sanhi ng monkeypox virus at maaari itong dumapo sa tao sa pamamagitan ng close o intimate skin contact sa mga infected na taong may mucosal lesions.
Ang transmission ay maaari ring mangyayari sa pamamagitan ng indirect contact sa contaminated materials.
Continue Reading
Related Topics:CALABARZON, Department of Health (DOH), Featured, monkeypox virus, mucosal lesions