National News
Unang mpox case ng Pinas, mula sa NCR– DOH
Nagmumula sa National Capital Region (NCR) ang kauna-unahang mpox case ng Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).
Noong Disyembre 2023 nang maitala ito.
Sa pahayag ni DOH Sec. Ted Herbosa, walang travel history sa labas ng bansa ang pasyente subalit nagkaroon ng close contact sa ilang mga tao, tatlong linggo bago naranasan ang sintomas ng mpox.
Ibig sabihin, nasa bansa na ang mpox kung kaya’t huwag magkumpyansa ayon sa ahensya.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na sila ng contact tracing para matukoy kung sino ang pinagmulan o sino na ang infected nito.
Noong Agosto 14, 2024 ay idineklara na ng World Health Organization (WHO) na isang global public health emergency ang mpox.
