Connect with us

Unang review ng Timor Leste sa extradition request para maibalik sa Pilipinas si dating Cong. Teves, nakalusot na

Unang review ng Timor Leste sa extradition request para maibalik sa Pilipinas si dating Cong. Teves, nakalusot na

National News

Unang review ng Timor Leste sa extradition request para maibalik sa Pilipinas si dating Cong. Teves, nakalusot na

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na lusot na sa inisyal na pag-review ng Ministry of Justice ng Timor Leste ang extradition request ng Pilipinas para maibalik sa Pilipinas si dating Negros Oriental Congressman Arnulfo Teves Jr.

Sinabi ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na naisumite na ng Ministry of Justice sa Court of Appeals ng Timor Lester ang kahilingan ng Pilipinas.

Gayunman, ay hindi pa masabi o matiyak ng DOJ kung kailan mapapauwi dito sa bansa si Teves Jr. na pangunahing akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa ngayon anya ay hinihintay na lang ng DOJ ang desisyon ng Court of Appeals kaugnay sa extradition request.

Magugunitang naaresto ng mga otoridad si Teves noong Marso habang nasa golf course sa Timor Leste.

More in National News

Latest News

To Top