Connect with us

Underemployment rate sa bansa, bumaba

Manggagawang apektado ng ECQ, umabot na sa isang milyon

National News

Underemployment rate sa bansa, bumaba

Bahagyang bumaba ang underemployment rate sa bansa noong Enero.

Sa resulta ng Labor Force Survey (LFS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak sa 14.8 % ang underemployment rate, kumpara sa 15.4 % noong January 2019.

Nanatili naman sa 5.3 % ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho noong January 2020 na kapareho rin ng naitala noong January 2019.

Ang 4 na rehiyon na nakapagtala ng pinakamataas na unemployment rates ay ang Ilocos Region, CALABARZON, National Capital Region at Central Luzon.

Pinakamarami sa walang trabaho ay mga lalaki na nasa 63.3%.

Samantala, nanatili sa 94.7% ang employment rate sa bansa noong Enero, kapareho nang naitala noong January 2019.

Habang tumaas ang youth employment rate noong Enero 2020 sa 86.4% kumpara sa 85.8% mnoong Enero 2019.

Sa nasabing employed youth, 12.5% ang underemployed.

Sinabi ng PSA na ang mga underemployed ay ang mga empleyado na nais pang mag-trabaho ng karagdagang oras o magkaroon ng extra-job o bagong trabaho na mas mahaba sa working hours.

More in National News

Latest News

To Top