National News
Undocumented OFWs, hinikayat na gawing ligal ang mga status
Ipinanawagan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs) na gawin nang ligal ang kanilang status.
Maiiwasan anila dito ang illegal recruitment at human trafficking.
Tinatayang halos 1M na mga OFW ang undocumented ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac.
Maliban sa panawagan ay ikinokonsidera ng ahensya na mas paigtingin pa nila ang kanilang kampanya hinggil dito.