National News
Unemployment rate noong Marso, tumaas – PSA
Nasa 3.9 % ang unemployment rate sa bansa nitong buwan ng Marso.
Katumbas ito ng dalawang milyong Pilipino na walang trabaho o nawalan ng trabaho ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas nga lang ito sa unemployment rate na naitala noong Pebrero na nasa 3.5%.
Samantala, ang kabuoang labor force ng bansa noong Marso ay nasa 51.5-M kumpara sa 50.75-M noong Pebrero.
