Connect with us

Uni tent project ni Mayor Malapitan at Angel Locsin, umani ng batikos sa mga residente ng Caloocan

Uni tent project ni Mayor Malapitan at Angel Locsin, umani ng batikos sa mga residente ng Caloocan

COVID-19 UPDATES

Uni tent project ni Mayor Malapitan at Angel Locsin, umani ng batikos sa mga residente ng Caloocan

Umani ng batikos mula sa mga residente ng Dagat-Dagatan, Caloocan City angUni Tent Project na inuumpisahan ng itayo ngayon sa bakanteng lote na sakop ng  Brgy. 28 sa South Caloocan City.

Ito ay kasabay ng pagpapahayag ng pangamba ng mga residente ng Landaska, Kawal at Sawat na tawid-bakod lamang sa ginagawang tent.

Ayon kay Rhissa Bungad, tumatayong kinatawan ng “Nagkakaisang Residente sa Landaska”, maraming tao at dikit-dikit ang mga bahay sa area at mas mabuting ilipat na lang ang uni tent sa sports complex o di kaya sa old city hall.

Nangangamba ang mga residente sa posibleng pagkahawa nila sa sakit na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sakaling mailipat na ang mga suspected patients sa ginagawang uni tent.

Ang uni tent ay gagamiting ICU/ward at swab testing ng COVID-19 patients, person under monitoring (PUM) at peson under investigation (PUI) na itatayo sa tulong ng grupo ng aktres na si Angel Locsin.

Continue Reading
You may also like...

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top