National News
Uniteam, 100% lalakas matapos iendorso ng PDP-Laban – HNP
100% mas lalakas ang Uniteam matapos i-endorso ng Partido Demokratiko Pilipino –Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si presidential candidate Ferdinand ‘ Bongbong’ Marcos Jr.
Ito’y ayon kay sa panayam ng Sonshine Radio.
Marami pa kasi aniya ang mga miyembro ng PDP-Laban ang nag-aantay sa desisyon ng kanilang pinuno para sa kanilang susuportahan ngayong halalan.
At kamakailan, pinal ng inendorso ng ruling party PDP-Laban si BBM.
“Maraming pong mga local officials under sa PDP ang hanggang sa ngayon po ay hindi pa po sila nakakapag-decide prior to the announcement made by Mr. Cusi, wala pa po silang desisyon pagdating pos a Presidente kasi nga po inaantay nila ang instruction ng kanilang partido. And, because of the announcement of Mr. Cusi yesterday, we believe now that the member of PDP-Cusi wing will toe the line, and support both candidates President BBM and Vice President Sarah,” ani Del Rosario.
Tiniyak din ni Del Rosario na mananatiling si Bongbong Marcos ang kanilang susuportahang presidente kahit may ibang partibo ang nagpahayag ng suporta kay vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.
“We appreciate the support that other Presidential candidates are drawing to our Vice President Sara, we still maintain that our president is President BBM,” dagdag pa ni Del Rosario.