Connect with us

Unknown calls, huwag pansinin– DICT

unknown-calls-huwag-pansinin-dict

National News

Unknown calls, huwag pansinin– DICT

May babala ngayon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa unknown calls na nagsasabing ginagamit sa iligal na mga aktibidad ang SIM card ng call receivers.

Ayon kay DICT-Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Executive Director Alexander Ramos, ang unknown caller ay nagpapanggap na mula sa kanilang ahensya.sim

Dito na sasabihin ng caller na ‘for suspension’ ang SIM dahil sa iba’t ibang paglabag.

Sa bihirang pagkakataon ay nagpapakilala naman ang caller subalit binigyang-diin ng CICC na isa itong uri ng cybercrime.

Hinihikayat na ngayon ng CICC na hindi pansinin ang ganitong uri ng mga tawag.

Ang pagpaparehistro ng SIM ngayon ay nakabatay sa Republic Act No. 11934 at epektibo ito simula noong Disyembre 2022.

More in National News

Latest News

To Top