Connect with us

US, ‘di dapat makialam sa mga isyu ng China at Pinas

US, 'di dapat makialam sa mga isyu ng China at Pinas

National News

US, ‘di dapat makialam sa mga isyu ng China at Pinas

Muling binigyang-diin ng isang Chinese official na walang karapatan ang Amerika na makialam sa maritime issues ng China at Pilipinas.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng banggaan ng mga barko ng Pilipinas at China malapit sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS) o South China Sea.

Kaugnay nito, kung papansinin, sa X account ng US Embassy sa Pilipinas, kinondena nila ang umano’y mapanganib na mga aksyon ng China laban sa mga lehitimo na operasyon ng bansa sa WPS noong Agosto 19, 2024.

Nabanggit din sa statement na sakop ng US-Philippines Mutual Defense Treaty ang kahit anong armadong pang-aatake sa puwersa, barko, at eroplano ng Pilipinas sa WPS.

Bilang sagot sa US, inihayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning na ang Amerika ay hindi kasali sa isyu ng WPS. “The US is not a party to the issue of the South China Sea…and is in no position to interfere in the maritime issues between China and the Philippines.”

Isinalaysay pa ng Chinese official na dapat itigil na rin ng US ang pagpapatindi ng hidwaan sa South China Sea, maging ang pag-destabilize at pagpapataas ng tensyon sa rehiyon.

Ani Mao Ning, “The US needs to stop stoking confrontation in the South China Sea, and stop destabilizing the region and escalating the tensions in the region.”

Samantala, batay sa monitoring ng Philippine Navy, nasa 129 ang kabuuang bilang ng Maritime Militia, People’s Liberation Army (PLA), Chinese Navy at Coast Guard na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa kabila ng pagdami ng bilang ng Chinese vessels, sinabi ni PH Navy Spokesperson for the WPW Rear Adm. Roy Vincent Trinidad na hindi naman ito nakakabahala.

More in National News

Latest News

To Top