National News
US, nakuha na ang gusto sa Pilipinas– foreign relations scholar
Walang paramdam ang Estados Unidos hinggil sa pinakahuling isyu ng Pilipinas at China sa Escoda Shoal.
Ito’y kahit na patuloy nilang sinasabi na ‘ironclad’ ang relasyon nila sa Pilipinas.
Nagpadala na ang Pilipinas ng Navy at Coast Guard ships sa Escoda Shoal matapos i-recall ang BRP Teresa Magbanua na nag-patrolya doon ng ilang buwan.
Para sa foreign relations scholar na si Sass Rogando Sasot, wala nang aasahan ang Pilipinas mula sa mga kano. “What the US wants is to secure a forward operating base in Southeast Asia and the ideal location is the Philippines. They already got what they wanted.”
Ani Sasot, gusto lang ng mga Amerikano na gawing imbakan ng mga gamit pandigma ang Pilipinas. “…they have now, what? 17 military bases in the Philippines.”
Samantala, walang balak ang US na tanggalin ang kanilang mid-range missile system sa Pilipinas.
Sa gitna na rin ito ng demand ng China na tanggalin ng US ang kanilang missle launchers sa bansa.
May kakayahan ang Typhon system na ito ng US na bombahin ang China mula sa Pilipinas gamit ang long-range missiles. “O, mapapaalis mo ba ‘yan? Sino ang matapang na magpapa-alis? Baka i-coup d’etat ka ng mga military kapag pinaalis mo ang US bases diba?”
Kung magpapatuloy naman ang foreign policy ng Pilipinas, umaasa si Sasot na hindi na magising pa ang mga Pilipino na may tunay na pagmamahal sa bayan.
Kapag hindi na mababawi ang desisyon ng mga taga-gobyerno sa labis na pagpapagamit sa mga Amerikano ay magiging ‘bait’ o pain lamang ang bansa kontra China para makipag-giyera.