International News
US Pres. Donald Trump, acquitted sa kanyang impeachment case
Ibinasura ng US Senate ang impeachment trial ni US Pres. Donald Trump matapos lamang ang halos 2 linggong pagdinig nito sa Senado.
Nakakuha ng 52-48 votes para sa kasong abuse of power at 53-47 votes naman para sa obstruction of justice si Trump sa senado na kontrolado ng kanyang kapartidong Republicans.
Maalalang unang inaprubahan ng House of Representatives na kontrolado ng Democrats ang articles of impeachment nito noong ika-18 ng Disyembre.
Kinasuhan ng Democrats si Trump dahil umano sa pagtatangka nitong i-pressure ang Ukraine na imbestigahan ang mahigpit nitong makatutunggali sa 2020 presidential elections na si dating Vice Pres. Joe Biden para siraan ito.