Connect with us

US President Donald Trump, ipinag-utos ang pagputol sa pondo ng WHO

US President Donald Trump, ipinag-utos ang pagputol sa pondo ng WHO

COVID-19 UPDATES

US President Donald Trump, ipinag-utos ang pagputol sa pondo ng WHO

Tinotoo na ni US President Donald Trump ang banta nitong puputulin ang pagpondo sa World Health Organization (WHO).

Sa talumpati nito sa White House, anunsyo ni Trump na inutusan na niya ang kaniyang gabinete na itigil na muna ang pagbibigay ng pondo sa WHO.

Ito aniya ay dahil bigo ang health organization na tugunan ang kanilang tungkulin sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak.

Ayon pa sa US President, naging maluwag din ang WHO sa paghawak at pangangasiwa sa nasabing krisis.

Giit pa ni Trump, tila pinagtakpan pa ng WHO ang pagkalat ng virus matapos lumobo ang kaso nito sa China.

Magugunitang noong nakaraang linggo nang magbanta si Trump na puputulin ang pagpondo sa WHO dahil sa umano pagiging bias nito sa China sa gitna ng Coronavirus pandemic.

Tinatayang aabot sa $500 Million ang inilalaan na pondo ng Amerika sa WHO.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top