Connect with us

USS Blue Ridge, magsasagawa ng port call sa Bansa

USS Blue Ridge, magsasagawa ng port call sa Bansa

National News

USS Blue Ridge, magsasagawa ng port call sa Bansa

Kasalukuyang nasa bansa ang Commanding Ship ng United States Navy 7th Fleet na USS Blue Ridge para magsagawa ng port call.

Ang kanyang pagbisita ay kaugnay sa ipinatutupad na Anti-Tresspasing Rule o ang bantang pag-aresto sa mga dayuhang barko na nasa inaangking karagatan ng China kabilang na ang Continental Shelf ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ang USS Blue Ridge o’ LCC-19 ang tanging amphibious command and control ship na may advanced communication and information systems para sa epektibong pangangasiwa sa naval operations.

Kahapon nagtungo sa National Headquarters ng Philippine Navy si 7th Fleet Commander Vice Admiral Fred Kacher na mainit namang tinanggap ni Philippine Navy Vice Commander RAd. Cesar Bernard Valencia bilang kinatawan ni Navy Flag Officer-in-Command VAdm. Toribio Adaci Jr.

Sa nasabing pagbisita, muling pinangtibay ang patuloy na magandang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa gitna na rin ng mga kinakaharap na hamon at pagsubok ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top