Connect with us

Vacation service credits ng public school teachers, tinaasan

Vacation service credits ng public school teachers, tinaasan

National News

Vacation service credits ng public school teachers, tinaasan

Tinaasan na ng Department of Education (DepEd) ang vacation service credits (VSCs) ng public school teachers bawat taon.

Mula sa 15 araw ay magiging 30 araw na ito.

Saklaw dito batay sa Department order No. 13 series of 2024 na nilagdaan noong Setyembre 18, ang mga guro na at least nakapagtrabaho na ng isang taon maging ang newly hired teachers na natanggap ang kanilang appointments ngunit hindi pa umabot ng apat na buwan simula noong school opening.

Ang newly hired teachers naman na late ang appointments ngayong taon ay mabibigyan ng 45 araw na VSCs.

Ibig sabihin ng appointed teachers ay ang mga guro na ganap nang tanggap sa kanilang trabaho matapos ang probationary period at sumalang na sa appraisals.

Kaugnay nito, ipinag-utos rin ng DepEd na hindi dapat piliting magtrabaho ang mga educator ng mahigit anim na oras.

Sa isang memorandum na inilabas ng ahensya noong Setyembre 27, kung sakaling magtatrabaho ng mahigit anim na oras ang isang guro, dapat mabigyan ito ng tamang kompensasyon.

Ayon kay DepEd Sec. Sonny Angara, nakabatay rin naman ang memorandum sa Republic Act No. 4670 o Magna Carta for Public School Teachers.

Ang mga guro naman na nagsagawa ng actual classroom teaching sa loob ng anim na oras ay hindi dapat magkaroon ng salary deductions.

More in National News

Latest News

To Top