Showbiz
Van ng aktres na si Kim Chiu, pinagbabaril sa QC
Pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang mga suspek ang van ng aktres na si Kim Chiu sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City.
Ayon sa driver ni Kim na si Wilfredo Taperla, ligtas naman ang aktres at assistant nito na dumiretso kaagad sa taping.
Ani Taperla, 3 lamang sila na sakay ng van.
Sa kwento ng mga saksi, sakay ng motorsiklo ang namaril sa sasakyan ng aktres.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.