National News
Vape bill, nais ipa veto kay Pang. Duterte ng ilang health organizations
Umaasa at umaapela ang ilang health organizations na i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinasang Vape bill ng kongreso.
Sa ekslusibong panayam ng Sonshineradio, sinabi ni Atty. Sophia San Luis ng Imagine Law na pinapaluwag nito ang batas na naghihigpit sa paggamit ng vape lalo na sa mga kabataan.
Napakalaking mis-information din aniya ang sinasabing mas magandang alternatibo ang paggamit ng vape kaysa sa karaniwang sigarilyo.
Nakababahala din aniya kung lumawak at maging normal ang paggamit ng vape lalo sa mga kabataan dahil maaaring matulad ang bansa sa Amerika na naging epidemic.
