National News
Vape, sanhi ng maraming sakit – DOH
Ipinaalala ng Department of Health (DOH) na hindi lang nagiging sanhi ng lung injury ang vape kundi rason din ito ng heart attack.
Sa ulat pa nito, mayroon nang namatay sa Philippine General Hospital (PGH) kaugnay dito.
Ang biktima ay walang health issues at hindi rin naninigarilyo, alcohol drinker o gumagamit ng iligal na droga.
Hindi rin ito nagkasakit ng covid-19 subalit nang suriin, araw-araw ito gumagamit ng vape sa loob ng 2 taon.
Batay sa global youth tobacco survey noong 2019, 14% o 1 sa bawat 7 Pilipino edad 13 – 15 taong gulang ay gumagamit ng e-cigarettes o vape.
Dumarami pa ito sa paglipas ng panahon.
