Connect with us

“Very good” net satisfaction rating ng Administrasyong Duterte, napanatili

Metro News

“Very good” net satisfaction rating ng Administrasyong Duterte, napanatili

Napanatili ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “very good” net satisfaction rating.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) sa ika-apat na bahagi ng taong 2018, 76 porsyento ng mga Filipino ang “satisfied” sa performance ng gobyerno, siyam na porsyento ang “dissatisfied” habang 15 porsyento ang “undecided.”

Dahil dito, umabot na ang net satisfaction rating ng kasalukuyang administrasyon sa +66 o “very good” na mas mataas ng labing anim mula sa dating +50 rating noong September 2018.

Sa resulta ng survey, “excellent” ang dalawa sa 17 performance subjects ng administrasyong Duterte partikular ang pagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan sa +71 rating at pagsasaayos ng kalsada sa +70 rating.

Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19 noong nakaraang taon sa 1,440 Filipino.

More in Metro News

Latest News

To Top