National News
Veteran Lawyer Estelito Mendoza, abogado ni VP Sara Duterte vs kinukwestiyon na 2022 confi funds
Irerepresenta ng beteranong abogado na si Estelito Mendoza sa Korte Suprema si Vice President Sara Duterte.
Para ito sa mga petisyon na kinakaharap ng pangalawang pangulo hinggil sa kinukwestiyon na P125-M na confidential fund na natanggap nito mula sa Office of the President taong 2022.
Si Mendoza ay naging abogado na ng ilang high-profile politicians gaya nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Sen. Ramon Revilla, at ng chief legal adviser ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na si Juan Ponce Enrile sa Sandiganbayan at Korte Suprema.
Nagsilbi rin itong Solicitor General ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. taong 1972-1986.
