Connect with us

Vhong Navarro, inilipat na sa NBI Detention Center

Vhong Navarro, inilipat na sa NBI Detention Center

Showbiz

Vhong Navarro, inilipat na sa NBI Detention Center

Inilipat na sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor at TV host na si Vhong Navarro.

Simula September 19 pa lamang ay nananatili na si Navarro sa NBI headquarters matapos na lumabas na magkasunod ang warrants of arrest laban sa komedyante mula sa dalawang korte ng Taguig City.

Ang dalawang warrant of arrest na inilabas ng dalawang korte ay may kinalaman sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo.

Nakatakda namang maghain ng petition for bail ang kampo para sa kasong panggagahasa.

More in Showbiz

Latest News

To Top