Connect with us

Vice Mayor ng Jala-Jala, Rizal, patay matapos dapuan ng COVID-19

Vice Mayor ng Jala-Jala, Rizal, patay matapos dapuan ng COVID-19

COVID-19 UPDATES

Vice Mayor ng Jala-Jala, Rizal, patay matapos dapuan ng COVID-19

Pumanaw na ang vice mayor ng bayan ng Jala-Jala sa lalawigan ng Rizal matapos itong dapuan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa isang social media post, kinumpirma ng anak na si Joms ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Vice Mayor Jose “Jolet” Delos Santos.

Maraming salamat po sa inyong pakikiramay..Napakasakit po sa aming buong pamilya ang biglaang pagkawala ng Ama ng…

Posted by Jomark Delossantos on Tuesday, 31 March 2020

 

Sinabi ni Joms na Marso 25 nang magpositibo sa Coronavirus ang kaniyang ama at agad itong dumaan sa isolation, ngunit ilang araw lamang ay pumanaw na ito.

Labis aniya ang kalungkutan ng kanilang pamilya dahil hanggang sa huling sandali ay hindi nila ito nakita at nakasama.

Kaugnay nito, nagpaabot naman ng pasasalamat si Joms sa mga nakiramay sa pagpanaw ng kaniyang ama.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top