Connect with us

VP Sara, nagbitiw bilang gabinete ni PBBM

VP Sara, nagbitiw bilang gabinete ni PBBM

National News

VP Sara, nagbitiw bilang gabinete ni PBBM

Eksatong 2:21 ng ika-19 ng Hunyo nang tumungo si Vice President Sara Duterte sa Malacañang para magresign bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Kinumpirma ni Secretary Cheloy Garafil na tinanggap ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang pagbibitiw ni VP Sara.

Epektibo ang resignation ng pangalawang pangulo sa July 19 matapos ang 30 day transition.

Sa kaniyang naging mensahe, binigyang-diin ng pangalawang pangulo na ang kaniyang pagbibitiw ay hindi isang kahinaan.

Ayon kay VP Sara Duterte “Mga kababayan, ang aking pagbibitiw ay hindi lulan ng kahinaan kundi dala ng tunay na malasakit para sa ating mga guro at kabataang Pilipino.”

Sa kabila ng kaniyang pagbibitiw, tiniyak nito na patuloy niyang susuportahan ang sektor ng edukasyon sa bansa.

“Bagamat hindi ako magpapatuloy na mamamahala sa kagawaran, patuloy pa rin nating itataguyod ang kalidad ng edukasyon na nararaapat para sa pilipino. Hindi man ako ang tumatayong kalihim ng edukasyon, mananatili akong isang ina na nagmamatyag at titindig para sa kapakanan ng bawat guro at bawat mag-aaral sa pilipinas,” saad nito.

Sa ilalim ng pamumuno niya sa DepEd sa loob ng dalawang taon, iba’t ibang reporma ang ipinatupad para sa pag-unlad ng sektor ng edukasyon mula sa mga pangangailangan ng mga estudyante hanggang sa pagtugon sa mga hinaing ng mga guro.

Isa sa mga reporma na ipinatupad ng DEpEd ay ang MATATAG Curriculum na layong maiangat ang antas ng kalaaman ng mga kabataan lalo na sa writing, reading, at mathematics.

Naninidgan din ito laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), kriminalidad, terorismo, at iligal na droga upang matiyak ang seguridad ng mga paaralan, estudyante, at ng mga guro.

Hindi rin kinalimutan ng pangalawang pangulo ang kapakanan ng mga guro mula sa kanilang mga benepsisyo at sweldo hanggang sa pagsiguro ng kanilang maayos na working environment at pahinga o bakasyon.

Kabilang din sa mga nagawa ng DepEd ay ang pagpapatayo ng mas maraming school builings at classrooms at pagpapakabit ng mga internet connection sa mga paaralan, “I did not do this alone nor I claim to have done so. I would like to take this moment to express my profound gratitude to thos who part in this journey.” 

Dagdag pa nito, “To my DepEd  family, Execom, Mancom, central, regional, division and school officials, teachers and non teaching personnel thank you for your unwavering support hard work and dedeication to serve the Filipino people. Mabuhay kayo!” 

Bilang DepEd Secretary, nakakuha siya ng mataas na trust at performance ratings mula sa iba’t ibang survey.

Kinilala rin ang DepEd na pinagkakatiwalaang ahensya ng gobyerno.

More in National News

Latest News

To Top