Connect with us

Video ng pag-ikot ng 2 Chinese fighter jets sa aircraft ng Pinas, inilabas ng AFP

Video ng pag-ikot ng 2 Chinese fighter jets sa aircraft ng Pinas, inilabas ng AFP

National News

Video ng pag-ikot ng 2 Chinese fighter jets sa aircraft ng Pinas, inilabas ng AFP

Inilabas na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kuhang video ng piloto ng A-29B Super Tucano kung saan inikutan sila 2 Chinese fighter jets habang nagsasagawa ng flight route sa ilalim ng Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng Pilipinas at Australian Defense Force.

Nangyari ito nitong Linggo, Nov. 26, 2023 sa bisinad ng Hubo Reef sa West Philippine Sea (WPS).

Bigo namang masabi ng militar kung anong klaseng fighter Jets ang umikot sa aircraft ng Pilipinas.

Ayon sa AFP, wala namang naitalang komosyon o untoward incident sa nasabing aktibidad sa pagitan ng Pililinas at Tsina.

Patuloy na nilinaw ng AFP na ang naturang mga pagsasanay kasama ng mga kaalyadong bansa ay bahagi lamang ng pinalakas na kooperasyon nito at kakayanang ipagtanggol ang sobereniya ng Pilipinas partikular na sa mga pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

More in National News

Latest News

To Top