Connect with us

Vietnamese at hindi Chinese ang problema sa Scarborough Shoal – mangingisda

Vietnamese at hindi Chinese ang problema sa Scarborough Shoal – mangingisda

National News

Vietnamese at hindi Chinese ang problema sa Scarborough Shoal – mangingisda

Sinabi ng isang lider ng asosasyon ng mga mangingisda na mga Vietnamese at hindi lang mga Chinese ang problema ngayon ng mga Pilipinong mangingisda.

Sa panayam ng media kay Fausto “Ka-Cuto” Alpay, Chairman ng Subic Commercial Association na karamihan sa mga mangingisda na nasa Scarborough Shoal ay mga Vietnamese.

Ayon kay Tatay Fausto, nung huling punta nila sa Scarborough Shoal ay nasa 50 mangingisdang Vietnamese ang kanilang namataan doon.

“Ang kalaban po dyan ngayon ‘yung mga Vietnamese na nagsisipag-ilaw ‘yan po ang marami diyan ngayon kaya po nung minsan na lumaot ang bangka ko doon kaaunti ang huli dito sila nakahuli sa malapit dahil nasa 50 Vietnamese ang nandun sa palibot na Scarborough,” ayon kay Chairman, Subic Commercial Association Fausto “Ka-Cuto” Alpay.

Ang problema, kinukuha umano ng mga Vietnamese ang kanilang nahuhuling isda.

Ngunit aminado si Ka-Cuto na noong nakaraang taon mga Chinese ang pumutol ng kanilang payao.

“Nito pong mga buwan po ‘yun ng October o November may inaward sa asosasyon na isang payao sa kagustuhan ko po na matulungan ‘yung mga miyembro ko na hook inline nag-request sila sa akin na doon ko ihulog sa Scarborough hindi naman po namin naaanihan naputol pinutol na nga po,” ani Fausto “Ka-Cuto” Alpay.

Samantala para maprotektahan ang mga mangingisda ay may payo si Senator Cynthia Villar sa mga otoridad.

“Ever since matagal na akong chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food alam ko na ang nagbabantay sa mga mangingisda ay BFAR kasi ang BFAR hindi militarize diba,” ayon naman kay Sen. Cynthia Villar.

Dagdag pa ng senador, kabilang naman talaga sa mandato ng BFAR na bantayan at pangalagaan ang mga mangingisda

“Natural naman sa BFAR na alagaan nila ‘yung mga fishermen alam nila na may danger sa West Philippine Sea eh kung magkaproblema sila andun sila para tumulong,” dagdag pa nito.

Kasunod nito, hiling ng senadora sa kasalukuyang administrasyon na huwag na palakihin ang tensyon sa China.

Aniya para malutas ang problema, mas mainam na pag-usapan at magkaroon ng common ground ang Pilipinas at China para hindi madamay ang mga mahihirap na mangingisda.

“Hindi dapat palakihin ‘yung problema kasi gusto ba natin makipag-away sa China? Were not in a position to fight with China.”

“They have to find a common ground diyan kasi ako ang concern ko ‘yung mga fishermen kasi mahihirap ‘yan eh ‘yan lang ang hanap buhay nila. Pag-nag away sila affected ‘yan kawawa ‘yan diba,” ani Sen. Villar.

Sa huli ipinunto ng senador na wala siyang ibang hiling sa bansa kondi ang kapayapaan.

“Ako wala namang masama na we don’t quarrel with China and we don’t quarrel with US diba? Ako I am for peace in Philippine kasi talagang mahirap kapag may nag-aaway sa isang bansa,” pahayag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top