Connect with us

Visual inspection sa mga PDL bawat 5 minuto, ipinag-utos ng BuCor

Visual inspection sa mga PDL bawat 5 minuto, ipinag-utos ng BuCor

National News

Visual inspection sa mga PDL bawat 5 minuto, ipinag-utos ng BuCor

Ipinag-utos ng Bureau of Corrections (BuCor) na magsagawa ng visual inspection sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang kanilang Correction Officers (CO) bawat 5 minuto.

Lalong-lalo na anila sa mga PDL na na-assign sa agricultural tasks.

Kasunod ito sa napaulat na pagkawala ng 1 preso sa New Bilibid Prison (NBP) noong Miyerkules, June 5, 4:00 ng hapon.

Natuklasan ang pagkawala ng magsagawa ng physical head count ang Correctional Officer.

Nakita naman ang preso 3:20 ng umaga nitong Huwebes, June 6 sa 1 sa mga bagong pasilidad ng New Bilibid Prison.

More in National News

Latest News

To Top