Connect with us

Vlogger na nagpanggap na may 2019-nCoV sa mall, inaresto

Bicolano nCoV prank

Regional

Vlogger na nagpanggap na may 2019-nCoV sa mall, inaresto

Inaresto ang isang vlogger matapos itong gumawa ng kalokohang senaryo sa isang mall sa Legaspi City, sa albay na nagpanggap na mayroon umano siyang sakit na 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Kinilala ni Police Captain Dexter Panga­niban, tagpagsalita ng Albay Provincial Police Office (PPO), ang suspek na si Marlon De Vera, isang video blogger sa lalawigan at residente ng Purok 2, Brgy. Bigano, Legaspi City.

Ang pekeng scenario ay na-video pa ng kasamahan ng suspek at ilang saglit pa ay tumayo ito saka nag-ehersis­yo ng ilang dance step.

Kasong alarm and scandal sana ang kakaharapin ng vlogger ngunit hindi na itutuloy ng pamunuan ng mall matapos na personal ito na humingi ng tawad.

Samantala, humingi na ng sorry ang suspek sa kaniyang ipinost na video.

Sinabi ni de Vera na nais lamang niyang makapagpasaya sa gitna ng pagkalat ng kinatatakutang 2019-nCoV.

https://youtu.be/E5mn-UWuzzs

More in Regional

Latest News

To Top