Connect with us

Vlogger na si Maharlika, sinampahan ng kasong cyber-libel sa Amerika

Vlogger na si Maharlika, sinampahan ng kasong cyber-libel sa Amerika

National News

Vlogger na si Maharlika, sinampahan ng kasong cyber-libel sa Amerika

Tahasang itinanggi ng kampo ng Filipino Fashion Designer na si Avel Bacudio ang mga pahayag ng aniya’y dati nitong kaibigan at vlogger na si Maharlika sa isang press conference sa Quezon City.

Dating malapit na magkaibigan sina Bacudio at Maharlika o Claire Contreras sa tunay na buhay.

Sa katunayan nga’y parehas silang supporter ng UniTeam nina Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte noong 2022 elections.

Pero ngayon, kilala nang kritiko ng Marcos Administration si Maharlika.

Una sa mga itinanggi ng kampo ni Bacudio ay ‘yung sinuhulan daw nito ng mamahaling relo si Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos para makakuha ng proyekto sa gobyerno.

Itinanggi rin nito na si First Lady Liza Marcos ang dahilan kaya nakakuha ng Schengen at US visa ang pamilya nito.

‘Di rin daw totoo ang isyu na tumatanggap ito ng kickback mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pinasinungalingan rin nito ang mga pasabog ni Maharlika sa kaniyang Youtube Channel na agad nakabili si Bacudio ng milyong pisong halaga ng bahay pagkatapos manalo ni Pang. Bongbong Marcos sa eleksyon.

Aniya, “We categorically deny all of those allegations. And we shall prove in the court of law that those are all falls.”

Dahil dito, isang 2 million US dollar cyber-libel case ang isinampa ni Bacudio laban kay Maharlika sa US Central District sa Los Angeles.

Ayon sa complainant, hindi na sana ito mag-rereklamo dahil ayaw nito ng gulo pero marami na raw kasing apektado sa mga banat sa kaniya ng vlogger.

Saad ni Bacudio, “Siyempre medyo nakakalungkot kasi sabi nga niya BFF, so nakakalungkot. So ako naman is sabi nga ng aking pamilya, ang aking sister that ipagdasal nalang natin. Kaya lang medyo ngayon may naaapektuhang tao na hindi dapat kasama dito na parang nadadamay sila. Siyempre, the first family ay nadadamay.”

Nanindigan naman si Bacudio na kliyente niya lang sa mga damit ang first family at hanggang doon lang ang kanilang ugnayan.

Ayon naman sa US-Based Filipino Lawyer na si Arnedo Valera, decriminalized ang cyber libel sa US, “This is purely a civil matter, it is not a criminal matter.”

“Kasi pag-nilitis yung libel na ‘yan, lalabas yan. Titignan talaga ano yung intention, ano yung malalim na dahilan bakit mo sinabi yan. At ano yung dahilan mo. So papasok na ngayon sa evidence.”

Inisyuhan na ng summons si Maharlika mula nang maisampa ang kaso noong January 24, 2024.

Nasa 2 million US Dollars naman ang hinihinging kontra danyos ng kampo ni Bacudio.

Sa ngayon, wala pang sagot si Maharlika sa kaso.

More in National News

Latest News

To Top