National News
Vote buying sa Mariveles, Bataan, pinabulaanan ng isang mayoral candidate
Pinabulaanan ni Mariveles, Bataan Mayoral Candidate Atty. AJ Concepcion ang ulat na umano’y may vote buying na nangyayari sa kanilang lugar.
Kasunod ito sa isang nag-viral na video kung saan ipinakita ng isang babae ang pamamahagi ng ID card ng partidong Balikatan ng Bataan kapalit ang P2,000.
Sa panayam ng Sonshine Radio, nilinaw ni Concepcion na ang nakuhang video ay mula iyon sa aktibidad ng kanilang partido ng namahagi ito ng ID card sa kanilang mga miyembro.
‘Yun pong video na yun ay kinuhanan sa activity po ng aming partido, Balikatan ng Bataan. Kung saan kami po ay nag-iisyu ng ID sa members po ng aming partido. Hindi po totoo na may kapalit na halaga yung ID. Yun po ay katibayan lang na sila ay miyembro ng Balikatan ng Bataan. Actually since last year ‘ho, nag-iisyu na po kami nung ID na ‘yun,” ani AJ Concepcion.
Ipinakita rin sa nag-viral na video na may kasamang sample ballot ang pamamahagi ng ID card subalit ayon kay Concepcion, kung tingnan nang maigi ay may malaking marka iyon na “for voter’s education”.
Ayon kay Concepcion, ang video ay galing sa incumbent mayor ng Mariveles.
