Connect with us

‘Vote of Anger’ mula sa publiko, asahan sa 2025– pol strategist

'Vote of Anger' mula sa publiko, asahan sa 2025– pol strategist

National News

‘Vote of Anger’ mula sa publiko, asahan sa 2025– pol strategist

Panahon na naman ng eleksyon sa Pilipinas.

Ibig sabihin, panahon ng panunuyo ng boto, panahon ng pangangako at pagpapakilala ng mga pulitiko.

Subalit batay sa pinakahuling pahayag survey ng Publicus Asia, ang problema sa korupsyon, at mahinang ekonomiya ng bansa ang pinaka-concern ng mga botante.

Sa pahayag ng political strategist ni Prof. Malou Tiquia, “Overall, ang trend sa state of the economy is weakening at hindi sila masyadong nakakakita ng maaya-ayang economic situation sa next quarter. Ang feeling nila, ang bansa ay napapapunta sa maling direksyon.”

Idagdag pa dito ang isyu ng tumataas na kriminalidad sa Pilipinas at mga imbestigasyon sa Kongreso na sa tingin ng marami ay labas na sa in-aid-of legislation na trabaho ng mga mambabatas.

Dahil dito, mga botante na mismo ang nagsasagawa ng lifestyle check sa mga pulitiko.

Binubusisi ang presyo ng kanilang mga relo, sasakyan hanggang sa uri ng pamumuhay—lahat ginagawang topic sa social media.

Batay sa Republic Act 6713 o Code of Conduct for Public Officials and Employees, modest lives ang itinakda ng batas para sa mga taga-gobyerno.

Ibig sabihin, yung uri ng pamumuhay na angkop sa kanilang posisyon at patuloy na igiit ang public interest sa halip na personal interest. “Nakikita namin na marami nang napi-pierce. Binubuksan yung issue tungkol sa korupsyon. Andiyan yung sa mga alahas, relo, damit ng mga kongresista. Andiyan ang sasakyan ng mga kongresista. Nandiyan ‘yung sense of entitlement and privileges ng mga kongresista, ng mga legislators.”

Dahil sa iba’t-ibang issue sa bansa, inaasahan ni Prof. Tiquia na magiging mainit ang kampanya sa 2025 elections.

Nakikita din niya ang posibleng paglitaw ng ‘vote of anger’ mula sa mga Pilipino bilang pambawi sa lahat ng mga hamon ng bansa na batay sa Publicus survey ay dapat na pangunahing tinutugunan ng gobyerno.

Ani Tiquia, “Suriin po natin ang lahat ng kandidato. Mamili ho tayo, hindi ‘yung dati. Mamili siguro tayo ng bago na makaka-contribute ng maayos sa ating Kongreso at sa ating local government. Napakahalaga ho ng bagong dugo, bagong mukha, bagong paninilbihan dahil yung datihan po, tingnan niyo naman kung anong narating natin.”

More in National News

Latest News

To Top