National News
Voter’s ID, posibleng ibibigay muli ng Comelec
Ikinokonsidera ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbibigay muli ng voter’s ID.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, posibleng inisyal na ibigay ang voter’s ID sa mga Pinoy na nasa ibang bansa.
Sinabi ng Comelec chairman, na marami parin sa mga Pilipino ang hindi pa nakuha ang kanilang national ID kung kaya’t bilang isa sa valid ID’s, magbibigay muli ang komisyon nito.
Noong December 2017, sinuspinde ng komisyon ang pamamahagi ng voter’s ID dahil maglalabas na ang pamahalaan ng national ID sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys).