National News
VP Duterte, hiniling ang katagumpayan ni PBBM sa pamumuno ng bansa
Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. araw ng Miyerkules, Sept 13, nagpaabot ng pagbati ang mga Pilipino sa pamamagitan ng 10 satellite offices ng Office of the Vice President (OVP).
Kasama rin sa bumati si Vice President Sara Duterte.
Hiniling ng pangalawang pangulo ang katagumpayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamumuno ng bansa.
“Malipayong adlaw nga natawhan, Apo BBM. My constant wish for all celebrators is prosperity, good health, and happiness. But I will add success to my wishes for you. I want you to succeed as President because it would mean the strength, stability, and security of our beloved homeland,” ayon kay Vice President Sara Duterte.
Mensahe pa ni Vice President Duterte sa pangulo na lagi nitong tandaan na hindi Marcos-only o Duterte die-hard vote ang nangyari sa nakaraang halalan.
Aniya ito ay isang boto para kay Bongbong at Sara.
“Always remember that it was not a Marcos-only or Duterte die-hard vote. It was a vote for Bongbong and Sara. And it will never happen again in history. It was a UniTeam Vote by all peace-loving Filipinos,” dagdag pa ng bise presidente.
Sa huli, tiniyak ni Vice President Duterte kay Pangulong Marcos na nasa likod lang sila ng pangulo at patuloy na sumusuporta sa kaniya.
“Kaya kami ay solid na nasa likod mo, sumusuporta sa iyong pangitain ng bagong Pilipinas. I wish you prosperity, good health, happiness, and success,” ani pa ni VP Sara.
