National News
VP Duterte, walang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028
Binigyang-diin naman ni Vice President Sara Duterte na wala siyang planong tumakbo bilang presidente sa 2028 national elections.
Binigyan-diin ni Vice President na noon pa man hindi niya talaga ambisyon na tumakbong bise presidente.
Aniya lalong lalo na ang pagtakbo bilang pangulo ay hindi niya gusto.
Dagdag ng pangalawang pangulo na bagamat lahat ng kaniyang gingawa ay pinagpaplanuhan niya pero ang plano pa rin ng diyos ang mananaig.
Pinabulaanan naman ng pangalawang pangulo ang umano’y pagkakawatak-watak ng UniTeam.
Pagtitiyak ni Vice President Duterte na okay sila ni Pangulong Bongbong Marcos at may tiwala pa rin sa kaniya ang pangulo.
Patungkol naman sa umano’y impeachment case laban sa kaniya ay maglalabas aniya sila ng komento sa tamang panahon.
