Connect with us

VP-elect Duterte, may bago nang tagapagsalita

VP-elect Duterte, may bago nang tagapagsalita

National News

VP-elect Duterte, may bago nang tagapagsalita

Itinalaga ni Vice-President elect Sara Duterte si Attorney Reynold Munsayac bilang kanyang bagong tagapagsalita simula ngayong araw, Hunyo 21, 2022.

Papalitan ni Munsayac si Liloan Mayor Christina Frasco na magiging kalihim naman ng Department of Tourism (DOT).

Si Munsayac na classmate ni Duterte sa San Sebastian Law School ay dating commissioner at acting chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Taong 2021 nang magbitiw ito sa pwesto para tumulong sa kampanya ni Duterte.

More in National News

Latest News

To Top