Connect with us

VP-elect Sara Duterte, target ang full implementation ng F2F classes sa Agosto

VP-elect Sara Duterte, target ang full implementation ng F2F classes sa Agosto

National News

VP-elect Sara Duterte, target ang full implementation ng F2F classes sa Agosto

Target ni incoming Department of Education (DepEd) Secretary at Vice President-elect Sara Duterte na makabalik na ang face to face classes sa mga paaralan sa buong bansa ngayong Agosto.

Batay sa record ng DepEd, umaabot na sa 73% sa mga pampublikong paaralan sa bansa ang nagbalik na sa face to face classes.

Ayon kay VP-elect Sara, nakatakda silang mag-usap ni outgoing Education Secretary Leonor Briones hinggil dito.

Kaugnay dito, sinabi ni Sara na pinapa-review din ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapatupad ng K to 12 Program, maging ang epekto ng pandemya sa mga mag-aaral.

Gagawin din aniya nito ang klase ng trabaho na kanyang ginawa sa Davao City kung saan isa na rito ang pagiging bukas sa mga suhestiyon mula sa ibang sector para sa ikabubuti ng sistema sa edukasyon ng bansa.

Kaugnay naman sa mga benepisyo ng mga guro, sinabi ni VP-elect Sara na ipagpapatuloy niya ang nasimulang programa ng kanyang amang si outgoing Pres. Rodrigo Duterte.

More in National News

Latest News

To Top