National News
VP Leni, hinamon ng isang debate matapos tinawag na walang alam ang NTF-ELCAC
Hinamon ng isang debate si Vice President Leni Robredo ng Regional Task Force 6- ELCAC kaugnay sa kagustuhan ni Robredo na alisin o tanggalin ang programang NTF-ELCAC ng pamahalaan.
Ikinadismaya kasi ng Regional Task Force-ELCAC 6 ang naging pahayag ni Robredo kung saan pabor itong alisin ang anti-insurgency program ng pamahalaan sa pangunguna ng binuong NTF-ELCAC.
Dahil dito, nais nilang tawagin ang pansin o atensiyon ni Robredo para makipagpulong at maipaliwanag ang trabaho ng NTF-ELCAC na tahasang kinukwestiyon ng pangalawang pangulo.
Ayon kay Flosemer Chris Gonzales, spokesperson ng RTF6-ELCAC, tila hindi alam ni VP Leni ang sakop ng programa kung kaya’t ganun na lamang aniya ang pagpabor nito na huwag nang ipagpatuloy ang programang ito.
“Allow us to correct your misconceptions about the mandate of the NTF-ELCAC. E.O. 70 is grounded on a whole-of-nation approach to put an end, once and for all, to the local communist armed conflict. The key term here is whole-of-nation approach.” saad ni Gonzales.
“Otherwise stated, sa wikang Filipino, para lubos po ninyong maunawaan, ang buong pwersa ng lahat ng mga ahensya ng pamahalaan ay kasapi, kabahagi, kasama sa iisang layunin na bigyang solusyon ang sanhi ng limamput tatlong taon nang pakikipaglaban ng komunistang teroristang grupo ng CPP-NPA-NDF/NDFP sa pamahalaan. Kayo lang ata ang hindi pa nakakaalam nito. “, dagdag pa ni Gonzales.
Pumalag din ang NTF-ELCAC 6 sa dahilan ni Robredo na magiging katulad lang aniya ang programa sa oplan tokhang ng pamahalaan upang mang harass ng tao.
“We are aghast by your pronouncement that you intend to abolish ntf-elcac (once you become president).”, giit pa nito.
“My biggest fear here is that this will become tokhang again. Magiging tokhang version 2 in the sense that the mandate given to the body will be abused, will be used to harass people,”. Pahayag ni VP Leni Robredo.
Nanindigan din ito na wala aniya ito pinagkaiba sa mga pang-aabuso ng mga militar at mga otoridad sa mga tao kung kaya’t kailangan itong alisin.
“There is really a duplication of many efforts, the duplication of the mandate. And it (NTF-ELCAC) has to be abolished.”
Pero depensa ng NTF-ELCAC, hindi lang anila nakasalalay sa military approach ang programa kundi kaakibat din dito ang ibang programa gaya ng Barangay Development Program (BDP).
“Para na rin sa inyong kaalaman, may Barangay Development Program din ang NTF-ELCAC,” ani naman ni Gonzales.
Ang lahat ng nasa ilalim nito ay pawang mga komunidad na minsan nang pinamugaran ng impluwensiya ng CPP-NPA-NDF.
Tatanggap din ng tig- P20-M development fund ang barangay para sa pagsisimula ng bagong paraan ng pamumuhay.
Paliwanag pa ng NTF-ELCAC spokesperson, “under this initiative, CTG cleared barangays are provided P20-M for projects that the people in the barangay deem necessary to improve their quality of life.”
Giit nila, ang tuluyang pagwalis sa NTF-ELCAC ay maaaring makaapekto sa nasimulan nang suporta ng gobyerno sa mga malalayong komunidad na pawang biktima ng mga panloloko ng CPP-NPA.
“The abolition of the NTF-ELCAC will effectively deprive thousands of CTG cleared barangays of the much needed 20 million pesos budget for their development. “, giit ni Gonzales.
Sa huli, mariing kinondena ng NTF-ELCAC si Robredo dahil sa maling pananaw nito sa anti-insurgency program ng Duterte administration.
“We do not appreciate sweeping, baseless generalizations and misconceptions about the madate of the NTF-ELCAC by no less than the second highest official of this country.”, ani Gonzales.