Connect with us

VP Robredo, tinanggap na ang appointment ni Pang. Duterte bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs

Section

VP Robredo, tinanggap na ang appointment ni Pang. Duterte bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs

Tinanggap na ni Vice President Leni Robredo ang itinalagang posisyon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Ito ay matapos maglabas ng isang memorandum ang Malacanang na may lagda ng Pangulo kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tugon ito sa kumukwestyon sa alok ni Pang. Duterte kay Vice Pres. Robredo na pangunahan ang kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Ani Panelo, hinihiling ng ilan sa mga taga-oposisyon na mabigyan ng posisyon si Robredo katuwang ang ilang drug enforcement agencies at offices gaya ng PDEA, PNP at Dangerous Drugs Board (ddb).

Ipinag-utos ng punong ehekutibo sa mga nabanggit na ahensya na magbigay ng kooperasyon at tulong kay VP Robredo sa pagganap sa tungkulin nito.

Sinabi ni Panelo na tatagal hanggang Hunyo 30, 2022 ang pagkakatalaga kay Robredo sa pwesto.

 

 

Continue Reading
You may also like...

More in Section

Latest News

To Top