Connect with us

VP Leni, walang mapapala sa taumbayan kung ‘di tatanggapin ang pagkatalo— Enrile

Wala nang mapapala si outgoing Vice President Leni Robredo kung hindi pa niya lubusing tanggapin ang resulta ng May 9 general elections.

National News

VP Leni, walang mapapala sa taumbayan kung ‘di tatanggapin ang pagkatalo— Enrile

Wala nang mapapala si outgoing Vice President Leni Robredo kung hindi pa niya lubusing tanggapin ang resulta ng May 9 general elections.

Ito ang inihayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa programang Bayan ni Juan sa Sonshine radio.

“Whether she concedes or not, subukan niyang pumunta sa harapan ng taumbayan kung may iintindi sa kanya. Tama na, tama na.”

Mapatutunayan din aniya na wala ng catholic vote kahit magsama-sama ang iba’t-ibang organisasyon dahil desido na ang taumbayan sa pagboto kay BBM.

Saad pa ni Enrile, sa umpisa pa lang na kampanya, alam na niyang masusungkit ni pres. elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na landslide victory sa halalan.

“Magmula sa umpisa ng kampanya, alam ko na landslide si Bongbong sapagkat sa tagal-tagal ko sa politika, ako naman ay hindi nagdunong-dunongan pero sa aking karanasan sa politika, ang galaw ng tao, iba eh.”

“Maski na sa kasulok-sulokan sa aking probinsya at ganoon din sa Mindanao, tsini-check ko ‘yung aking mga kaibigan, eh pareho ang sinisigaw ng mga tao, eh talagang overwhelming and resounding and phenomenal itong nangyari na halalan natin, talagang binigay ng taumbayan sa kanya ang mayorya. No question about it, walang kalaban-laban si Leni,” ani Enrile.

Dagdag pa ni Enrile, sa probinsya ng Cagayan, halos 90% ang bumoto sa kaya walang kalaban-laban ang ibang kandidato.

More in National News

Latest News

To Top