Connect with us

VP Robredo, may rekomendasyon upang maging last lockdown na ang ipatutupad na ECQ

VP Robredo, iginiit na suportado niya ang NTF-ELCAC

National News

VP Robredo, may rekomendasyon upang maging last lockdown na ang ipatutupad na ECQ

Nagbigay si Vice President Leni Robredo ng mga rekumendasyon ngayong muling isasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang National Capital Region (NCR) sa loob ng dalawang Linggo.

Partikular sa mga iminungkahi ni Robredo ay ang suporta sa mga ospital, mas maigting na testing, contact tracing, at vaccination efforts at mabilis na pagbibigay ng ayuda.

Ayon kay Robredo, dapat paabutin ng 750,000 kada araw ang nababakunahan para mapabilis ang pag-abot sa herd immunity.

Dapat din aniyang itaas sa 120,000 kada araw ang COVID-19 testing mula sa dating 50,000 at gumamit ng single contact tracing app.

Iginiit ni Robredo na hindi mangyayari ang last ever ECQ gaya ng hiling ng Palasyo kung mananatiling “status quo” ang mga ipinatutupad na hakbang laban sa COVID-19.

Binigyan-diin ng bise presidente na para marating ang goal na ito ay kailangan tingnan ang lockdown bilang stop gap measure lang.

Samantala, umaabot sa 680,000 COVID 19 jabs ang naitala ng National Task Force Against COVID 19 nitong Agosto 3, na siyang pinakamataas na bakunahan sa loob lamang ng isang araw sa buong bansa.

Sa Laging Handa public briefing, iniulat ni testing czar at Ntf Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon na nitong ika-3 ng Agosto, nakapagturok ng 164,000 shots sa National Capital Region lamang at ang pinakamataas na numero na nai-administer sa NCR ay 190,000 doses.

Dahil dito, tiwala si Dizon na kakayanin ng mga Local Government Unit (LGU) sa Metro Manila  ang target na 250,000 daily jabs sa loob ng ECQ period basta’t mayroon lamang sapat na suplay ng bakuna.

Sa kabuuan, nasa halos 22 million na ang naiturok na COVID 19 vaccines sa bansa.

Samantalang halos 10 milyon naman ang fully vaccinated na.

Pinasalamatan naman ni Dizon ang mga Local Government Unit (LGU) at mga pribadong sektor sa pakikipagtulungan sa national government para maabot ang milestone na ito.

 

More in National News

Latest News

To Top