Connect with us

VP Robredo, nanawagan ng “transparency” kasunod ng local transmission ng COVID-19

Office of the Vice-President, namahagi ng Personal Protective Equipments set sa mga ospital sa Metro Manila

National News

VP Robredo, nanawagan ng “transparency” kasunod ng local transmission ng COVID-19

Nanawagan ng “transparency” si Vice President Leni Robredo sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak.

Ayon kay Robredo, ito ang sagot upang tumaas ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan at matulungan ang publiko na protektahan ang kanilang mga sarili mula sa naturang sakit.

Kasunod ito ng pagdududa ng publiko na mayroong mga impormasyon kaugnay sa kaso ng COVID-19 sa bansa na hindi isinisiwalat ng gobyerno.

Umaasa rin ang bise presidente na hindi totoo ang posibilidad ng pagkakaroon ng under-reporting dahil magdudulot aniya ito ng kapahamakan sa lahat ng Pilipino.

Sinabi ni Robredo na nakatulong ang transparency sa mga bansa gaya ng Taiwan na mapigilan ang pagkalat ng virus.

Suportado naman ni VP Robredo ang pagdedeklara ng State of Public Health Emergency kasunod ng naitalang unang kaso ng local transmission ng COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top