National News
VP Robredo, pinabulaanan na bahagi siya ng panawagang bumaba sa pwesto si Pang. Duterte
Mariing pinabulaan ni Vice President Leni Robredo na bahagi siya ng anumang panawagang bumaba sa pwesto si Pang. Rodrigo Duterte.
“Hayagan ko pong sinasabi: Hindi ako bahagi ng anumang panawagang bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte. Ang panawagan ko lang, sana gawin natin lahat ang trabaho natin bilang mga lingkod-bayan,” saad ni VP Robredo.
Inilabas ng bise presidente ang pahayag matapos makarating sa kanya ang impormasyon ukol sa minumungkahing mobilisasyon sa Pebrero 22.
Bagaman ginagarantyahan ni VP Robredo ang karapatan ng mamamayan na magtipon at ipahayag ang kanilang mga saloobin, binigyan-diin nito na dapat idaan ito sa prosesong alinsunod sa batas.
Tiwala naman ang pangalawang pangulo na magiging mapayapa ang ikinakasang pagtitipon.